desisyon

Sa oras na ikaw ay aking pakakawalan
Ako ba ay iyong babalikan?
O tuluyan ng iiwanan?
Ako ba’y iyong kakalimutan?
At hindi na iisipin magpakailanman?

Lahat ng katanungang ito
Lahat ay nabuo
Lahat ng ito ay nabuo sa isipan ko
Nung ako’y muntikan ng iwan mo

Bakit kaya sa dinami dami ng tao
Ikaw pa ang napili ko
Ikaw pa ang minahal ko
Ngunit bakit ganito
Mundo ko’y gumuguho

Sa mga oras na ito
Ano ba ang mas pipiliin ko
Ang kaligayahan ko?
O ang kalayaan mo?

End